Noon
ay buong kataimtimang minalas ni Impong Sela ang kanyang lalabing-animing taong
apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag.
Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na matuwid
na katulad ng isang bangkay, walang kakilus-kilos maaliban, marahil, sa
maminsan-minsang pagkibot ng mga labing nanunyo at halos kasiimputla na ng
isperma. Maya-maya’y marahang dinama ng kanyang palad ang noo ng nahihimlay na
maysakit. Sa gayong pagkakadantay, ang nakahiga ay napakislot na animo’y biglang nagulat ngunit hindi rin
nabalino sa pagkakahimbing.
“Maria
Santisima!” ang nahihintakutang bulong ni Impong Sela sa kanyang sarilisamantalang iniaangat ang kanyang kamay mula sa pagkakadantay
sa noo ng apo.” Nagbalik na naman ang
kanyang lagnat.”
Ang
matanda’y nakaramdam ng isang biglang bugso ng lungkot sa kanyang dibdib. Ang
lagnat ng bata ay nawala na, dalawang araw na ang
nakararaan, salamat sa kanyang santong kalagyo, ngunit ngayo’y. . .
Mahal
na Ina ng Awa!
Ito’y
kanyang ikinababalisa. Nalalaman niyang ang lagnat na nagbabalik ay lubhang
mapanganib. Ano kaya kung ang kanyang apo, ang kanyang pinakamamahal na si
Pepe’y. . . Maawaing langit!
Bakit,
hindi ba siya ang maituturing na nagpalaki sa kanyang apong ito! Kauna-unahan
niyang apong lalaki sa kanyang kaisa-isang anak na lalaki, sa katauhan ni Pepe
ay ibinuhos ni Impong Sela ang lahat na pagmamahal at pag-aaruga ng isang impo.
Hindi halos nalalaman ng mga magulang nito kung paano siya lumaki. Laki sa Nuno
ang tawag sa kanya. At tapat sa kasabihang iyon, si Pepe’y lumaki sa layaw, sa
malabis na pagpapalayaw.
Siya
ang nagging dahilan ng malimit na pagkakagalit I Conrado at ni Impong Sela. May
mga pagkakataong ang anak at ang ina ay nagkakapalitan ng maiinit na sagutan,
ngunit kailanman, palaging ang matanda ang
nagtatagumpay. Hindi niya mapapayagang masaling man lamang ng ama ang kanyang
si Pepe.
At
saka ngayo’y. . .
Si
Impong Sela’y nagsimulang mag-isip nang malalim. Kailangang si Pepe’y maligtas
sa kuko ng kamatayan. Sa kanyang pagkalito ay pumasok sa diwa ang gunita ng mga
santo, panata, debosyon…
A. . .!
“
Mahal na Hesus Nasareno!” ang kanyang marahang bulong kasabay ang pagtitirik ng
mga
mata,
“Para Mo nang awa! Iligtas Mo po
ang aking apo at magsisimba kami ng siyam na Biyernes sa Quiapo. Huwag Mo po
siyang kunin.”
Natatandaan
pa niyang ang panata ring yaon ang nagligtas sa kanyang anak na ama ni Pepe
nang
ito’y pitong taon pa lamang. Kahimanawari ay ito rin ang magligtas naman sa
kanyang apo!
Maya-maya,
ang maysakit ay kumilos. Dahan-dahang idinilat niya ang kanyang mga matang wari
ay nananaginip at saka tumingin-tingin sa kanyang paligid. Hindi naglaon at
namataan niya ang kanyang impo sa kanyang tabi.Inilabas niya ang kanyang kamay
sa kumot at saka iniabot ang kamay sa matanda.
“Lola.”
ang mahinang tawag.
“Oy,
ano iyon, iho?” ang tugon ni Impong Sela sabay pihit at yumukod nang bahagya
upang mapakinggan niyang mabuti ang sasabihin ni Pepe.
“Nagugutom
ako.”
“Ikukuha
kita ng gatas.”
“Ayoko.
Sawa na ako sa gatas.”
Ang
matanda ay nag-atubili. Gatas, sabaw ng karne, katas ng dalandan, tsaa, at wala
na. Ang mga ito lamang ang maaaring ipakain sa kanya ayon sa bilin ng doctor.
“Ibig
mo ng kaldo, anak?”
“Ayoko!”
1
“Katas
ng dalandan?” Kangina lamang umaga’y itinulak niya at natapon tloy ang idinulot
ng matanda. At si Pepe’y ayaw na ayaw ng tsaa, noon pa mang siya’y malakas.
“Lola,
nagugutom ako!” Ang tinig ni Pepe’y may kahalo nang pagkainip.
“Sandali
lang, iho,” sabay tindig ng matanda at lumabas sa silid.
Pagkaraan
ng ilang sandali, Si Impong Sela’y nagbalik na taglay na kanyang kamay ang
isang pinggan ng kaning sinabawan ng sinigang na karne , at isang kutsara.
“Eto,
anak, ngunit huwag kang kakain nang marami, hane?”
Pagkakita
sa pagkain, si Pepe’y nagpilit na makaupo ngunit pabagsak na napahigang muli sa unan. Ang
matanda’y nagmamadaling lumapit sa apong nanghihina.
“Huwag
kang pabigla-bigla, iho,” aniya, samantalang inaayos ang mga unan sa tabi ng
dingding.”O, dito ka sumandal.”
Sa
tulong ng kanyang lola, si Pepe’y nakasandal din sa unan. At siya’y sinimulan
nang pakainin ni Impong Sela. Isang kutsara. Dalawang kutsara. Tatlo. Apat.
Katulad ng isang hayok na hayok sa gutom ay halos sakmalin ni Pepe ang bawat
subo ng kanyang lola.
“Nanay!
Ano ang . . . “ Si Conrado’y patakbong pumasok sa silid at tinangkang agawin
mula kay Impong Sela ang pinggan ng kanin ngunit
huli na! Ang pinggan ay halos wala nang laman.
“Nanay!
Wala ba kayong isip?” ang sa pagkabigla ay naibulalas ni Conrado .
“Hindi
ba ninyo nalalaman ang bilin ng doctor na…”
“Ow,
hayaan mo ako!” ang madaling putol sa kanya ng matand. “Nalalaman ko kung ano
ang aking ginagawa. Paano lalakas ang bata kung papatayin ninyo sa gutom? Hindi
siya mamamatay sa kaunting kanin. Bayaan mo siyang mamatay na nakapikit ang
mata at huwag nakadilat. Totoooooy! Neneeeee!”
Ang
dalawang maliliit na kapatid ni Pepe’y tumatakbong pumasok sa loob ng silid.
“Huwag
kayong tatakbo! Hindi ba ninyo nalalamang may sakit ang inyong kapatid? O ,
kanin ninyo ito,” at idinulot ni Impong Sela sa mga bata ang natirang pagkain ni Pepe, “saying kung itatapon
itong grasya ng Diyos.”
“Huwag!”
ang halos naisigaw ni Conrad. “Inay, hindi ba ninyo nalalamang si Pepe’y may
tipus?”
“E,
ano ngayon? Ang mga bata ay mahahawa, hindi ba?” anang matanda sa tinig na
naghahamon. “Ang hirap sa inyo’y pinaniniwalaan ninyong lahat ang dala rito ng
mga Amerikano. May korobyo kuno ang sakit ni Pepe na siyang makakain ng mga
bata.Tse! Bakit noong kapanahunan naming, walang paku-pakulo ng tubig, walang
poso-artesyano, at nanggagaling lamang sa balon an gaming iniinom na kung
minsan ay may liya pa. Tingnan mo ako. Gaano na ako katanda ngayon? Kung ang karobyong
iyang pinagsasasabi ninyo ay totoo, bakit hindi ako namatay? At kayong mga tubo
sa panahong ito na masyadong delikado sa lahat ng bagay, ilan sa inyo ang
umaabot sa edad naming? Kaukulang lahat iyang pinagsasasabi ninyo. Kung ibig ng
Diyos na ikaw ay mamatay ay mamamatay ka, magpagamot ka man sa isang libong doctor. Sa
kanya ka umasa at huwag sa kalokohan. Kanin ninyo ito.” ang baling sa mga apo,
“ at huwag kayong parang tuod sa pagkakatayo!”
Si
Totoy at si Nene ay nag-atubili at tinapunan ng tingin ang kanilang amang
pagkatpos ng mahabang “sermon” ng kanilang lola ay walang nagawa kundi ang
magsasawalang- kibo na lamang.
“Bakit,
natatakot ba kayo?” ang tanong ni Impong Sela sa kanyang mga apo. Hinagisan pa
mandin ng isang irap ang kanyang anak, at saka hinugot ang tsinelas mula sa
kanyang paa. “Tingnan natin kung sino ang masusunod sa bahay na ito!, Kanin
ninyo ito, kung hindi’y…”
Nanginginig
na sumunod ang mga bata, samantalang ang kanilang ama’y tumatanaw na lamang sa labas ng
durungawan.
Kinabukasan,
si Pepe’y nahibang sa lagnat. Nagbalik ito sa isang matinding bugso na siyang
hindi ikapalagay ng maysakit. Tila siya iniihaw, pabiling-biling sa hihigan, at
nakalulunos kung humahalinghing. Sa mga mata ni Sinang na kanyang ina ay
nalalarawan ang isang paghihirap ng kaloobang isang ina lamang ang maaaring
makadama sa gayong mga sandali, samantalang minamalas niya ang kahambal-hambal
na ayos ng kanyang anak. Naroon din si Impong Sela. “Masama ang kanyang lagay.”
Hindi
nagkamali ang doctor. Sa loob ng sumunod na oras ay pabali-balikwas si Pepe sa
kanyang higaan at naghihiyaw ng
kung anu-anong ikinakakagat ng labi ng mga nakamamalas. Ang mga luha ni Sinang
ay tila walang-lagot na tanikala. Walang patid. Walang-tila. Ang mga ngipin ni
Conrado’y nagtitiim. Samantalang si Impong Sela ‘y bumubulong ng walang
katapusang mga panalangin.
2
“Sinang,”
ang marahang tawag ng lalaki sa kanyang asawa, “huwag kang umiyak. Ang mabuti
kaya’y dalhin natin siya sa
ospital.”
“Ospital?
At nang siya’y pabayaang mamatay roon? Hindi! Huwag ninyong madala-dala si Pepe
ka sa ospital. Kung kayo’y nagsasawa nang mag-alaga sa kanya ay bayaan ninyo
kaming maglola.Maaalagaan ko rin siyang mag-isa. Mabuti ka ngang ama! Noong
ikaw ay maliit pa, sa tuwi kang magkakasakit , ako ang nagtitiyaga sa iyo at
hindi kita inihihiwalay sa aking mga paningin. Kung ito’y hindi mo magagawa sa sarili mong anak ngayon – hayaan
mo’t ako ang gagawa!”
“Ngunit,
Nanay!” nasa tinig ni Conrado ang pagsusumamo at pagmamakaawa.
“Ano
ang ating magagawa rito? Kulang tayo sa mga kagamitan. Samantalang sa ospital.
. .”
“Samantalang
sa ospital,” kapag si Impong Sela’y nagsimulang manggagad, siya’y handing
makipaglaban, “lalo na’t ikaw ay nasa walang bayad, ay titingnan ka lamang nila
kung kailan ka nila ibig tingnan. Ano ang kuwenta sa kanila ng isang maysakit
na hindi naman nila kaanu-ano? Mamatay ka kung mamatay ano ang halaga sa kanila
niiyon? Tingnan mo ang nangyari kay Kumareng Paula, isang araw lamang sa
ospital at. . . Ave Maria Purisima! Huwag ninyong gagalawin ang apo ko! Hindi
maaari!”
Sa
mukha ni Conrado ay biglang sumulak ang dugo! Ibig niyang humiyaw, ibig niyang
maghimagsik, ibig niyang magtaklob na ang langit at lupa!
Ngunit
mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namutawi kundi ang impit na
“Diyos ko! ! !” Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit
sa asawa at tinapunan iyon ng isang “hayaan- mo- na- ang- Nanay” na tingin.
Kasabay ang isang malalim na bunting-hininga si Conrado’y nalugmok sa isang
likmuan. Ang salitaan ay napinid na.
Umagang-umaga
kinabukasan, nagtaka na lamang sila’t natagpuan nila sa isang sulok si Impong
Selang nananangis, umiiyak na
nag-iis. Siya’y hindi man lamang
tinuluan ng luha nang si Pepe’y naghihirap at saka ngayon pang si Pepe’y
matiwasay na, salamat sa suwerong tinusok sa kanya ng manggagamot ay saka. . .
“Bakit,
Nanay?” ang namamanghang tanong ni Conrado.
“Naiisip-isip
ko,” ang kanyang hikbi, “ ang anak na dalagita ni Juan ay kamamatay lamang
noong isang lingo!”
“O,
ay ano?” lalo namang namanghang tanong ng anak na hindi maiugpong ang
pagkamatay ng anak ni Mang Juan sa mga luha ng kanyang ina.
“Iya’y totoo! Huwag mong pagtatawanan ang
matatandang pamahiin. Marami na
akong nakita. Iya’y hindi nagkakabula.”
“Pawang
nagkataon lamang ang nakita ninyo. Huwag ninyong guluhin ang isip ninyo sa
kaululang iyan.”
“
Ang isa pa,” ang patuloy ng matandang hindi siya pinapansin, “kagabi, ang mga
manok ay nagputakan. Nang ang nasira mong ama ay namatay ay ganyan din ang
nangyari noong huling gabi bago siya pumanaw. Kaawa-awang Pepe kooo!”
At…
Kataka-taka
o hindi kataka-taka, ang luha ni Impong Sela ay nagpatuloy ng pagdaloy hanggang
ang mga luntiang damo sa ibabaw ng puntod ng pinakamamahal niyang apo ay halos
isang dangkal na ang angat sa lupa.
No comments:
Post a Comment