Sa isang nayon sa Baguio na kung
tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto
ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon
kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito
ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa
kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caᾗao bilang parangal sa
kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t
ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng caᾗao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Kung nagdaraos sila ng caᾗao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa
gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng
isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang
mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon
ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang
dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita.

Hindi na niya ipinagpatuloy ang
kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas.
Anang isang matanda, “ Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala.
Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caᾗao.”
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos
tayo ng caᾗao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang caᾗao
na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar
sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na
pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang
mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa
kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila’y natakot.

Maya-maya’y nagsalita ang matanda
at nagwika nang ganito: “Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil
sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong
kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin
at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang
malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caᾗao. Pagkalipas ng tatlong araw,
bumalik kayo rito sa pook na ito.
Makikita niyo ang isang
punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o
makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin
ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain
ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang
ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng
tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang
palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na
maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang
sa kaliit-liitang dahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng
galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang
dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo
ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon,
yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan
ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas
hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.”

Kinuha ng mga lalaki ang kanilang
mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga
ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang
mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at
parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig
ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng
mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto
upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na
mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang
aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong
nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito,
sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan.
Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa
pamamagitan ng paghukay sa lupa
http://www.thephilippineliterature.com/mina-ng-ginto/